Nasa third year high school na ako na nangyari ito sa akin. Naniniwala ako na isa ito sa mga bagay-bagay na hindi mo makakalimutan sa buhay mo, maski may asawa ka at tumanda ka na lang. Parang isang parte ng kasaysayan ng buhay mo na hindi mo mawawaglit o mabura sa isipan.
Masarap at masaya ang isang high school ikumpara sa college student. Pag high school ka, halos kilala mo ang mga estudyante dahil nakikita mo sila at halos nakasama mo sa school sections mula first year hanggang mag fourth year. Hindi naman kalakihan ang school sa bayan namin kaya halos kilala mo na halos ang mga kaiskwela o estudyante. Iba ang feelings ng isang high school student dahil iba ang experienced. Still nasa growing stage pa ang isang mag bibinata o nagdadalaga at very aggressive sa mga excited na mga bagay-bagay lalo na sa barkada at mga kaibigan.
Dahil ang mga magulang ko ay nakatira sa bukid (magsasaka), kailangang sa bayan ako mag aaral ng high school. Dahil kung uuwi ako araw-araw sa amin, medyo napakalayo, sasakay pa ako ng bus and it takes more than hour kung magtra-travel ako (one way). So nag decide ang parents ko na doon muna ako makituloy sa tiyahin ko (pangatlong anak ng nanay ko) na may kunting negosyong tindahan. Sabi ni inang na tulong-tulong din ako sa Ate Carmen ko kung kailangan at kung ano pang dapat na pwede kong maitutulong sa Ate Carmen. Dahil medyo busy ang ate ko sa tindahan, may tatlong pa siyang mga anak (puro babae) na maliliit kaya medyo kailangan talaga ng helper ang ate ko. So ganoon ang arrangement ng mga magulang ko sa pag aaral. Tuwing beyernes lang ako uuwi sa amin ng hapon at babalik naman ako sa bayan ng lingo ng hapon. Ganoon ang arrangement ng mga magulang sa akin.
I was a third year high school na nangyari ito sa akin. It was a biology class namin late afternoon. Nag decide ang teacher namin na magkaroon ng grupo sa klase. Nag assigned ng 5 person every group members namin sa klase and everyone has to make research at mga details in a certain subject topic, tapos, isa sa mga group member ang mag didiscuss instead ang teacher namin ang siyang mag le-lecture at doon kami bibigyan ng grades through presentation at discussion… halos sa row naming ang mag ka grupo plus isang babae na si Linda, kaya naging lima kami. Ang mga lalaki naman ay sine lito, ruben, si ben at ako. Sa class namin, si ben ang pinakamatalik kong classmate. So we make arrangement sa grupo kung saan kami mag me-meet. So nag decide si Linda na sa kanila na lang mag me-meet ang group at doon na lang kami mag study, after school. 4 o’clock ang off ng klase namin sa afternoon so tuloy-tuloy na lang kami sa kanila (linda) para next time, alam na naming ang pagpunta sa bahay nila. Hindi naman din kalayuan sa bahay ng ate ko yung lugar nina Linda, so ganoon ang arrangement.
Masaya ang group naming habang naglalakad, papunta sa bahay nina Linda. Dumating kami sa kanila ng mag alas kwatro y medya ng hapon (4:30 PM). Nang papasok na kami sa gate nila, napansin ko na may naglalaba sa may labasan ng bahay at ako’y napasulyap… Biglang tumibok ang puso ko ng mabilis, ibang naramdaman ko sa sarili ko na napakaiba. Sa pagkatingin ko sa kanya, nagkatugma ang mga mata namin at sabay siyang ngumiti. Parang napahiya ako, dahil sa nakatingin ako sa kanya na baka isipin niya na baka iba ang masamang iniisip ko sa kanya. Maganda siya, maputi at medyo mahaba ang buhok niya na medyo may pagkakulot ng kunti na natural. Ang kinis ng balat niya, ang pinkest ng kulay ng mga labi niya at ang mata niyang mapupungay na bagay sa maamong mukha niya. Pag dating namin sa loob, nag handa ng merienda si Linda at nagpunta sa kusina. Pag balik niya, may dala-dala na siyang mga basong mga softdrink at maya-maya pa, kasunod niya yung babaing nakita ko sa labasan na may dala-dalang mga tinapay na nasa pinggan. Sabay napatingin ang iba ko pang kasama ng lumabas yung magandang dalagita. Lalo tuloy akong hindi mapakali noong nakita ko siyang malapitan. Para akong hindi makatingin sa kanya ng deretso. Parang nahihiya ako. Hindi ko alam kung anong maging re-action ko. “ahhh guys!”… meet my cousin nga pala, si Rosa”..sabi ni linda sa amin. Ngumiti lang si Rosa sa aming lahat. Mag alas syete na ng gabi nang kaming lahat ay nag-papaalam kay Linda at kanya na mag uwian na sa kanya-kanyang bahay. Noong gabing yun, hindi ako mapakali at hindi nakakatulog ng husto. Siya ang nasa isip ko. Pinilit kong ipikit ang mata ko para makatulog ako, pero siyan pa rin ang nasa isipan ko. Noong umaga sa eskwelahan, talagang kinausap ko si Linda ng personalan sa morning breaktime naming habang nag memerienda kami…”friend, pwede ka bang makausap sandali”, sabi ko kay Linda ..”Ano yun friend?”.. sabay tingin ni Linda sa akin habang kumakain ng sandwhich…”Tungkol sa cousin mo kung okey lang sa iyo”.. ang tugon ko.. “Ok lang yun friend…. Wala namang masama kung mag tatanong ka sa akin”.. sabay ngiti niya sa akin….
“magtatanong lang sana ako tungkol sa pinsan mo friend ng personal kung ayos lang sa iyo”, sabi ko. Tumingin si Linda sa akin na napangiti, “aba Oo, syempre kaibigan naman kita no!”….. he-he-he… sabay tawa pa!.... Medyo napakamot ako sa ulo, hindi ko alam kung saan ako mag umpisa… “Kasi friend, medyo na-inlove ata ako sa pinsan mo”, sabi ko… “OK lang ba sa iyo friend kung liligawan ko siya”, “he-he-he” sabay akong napatawa ng kunti. “No problem friends, dahil kilala naman kita no!”… tutulungan pa nga kita at ilakad kita sa pinsan mo, boto ata ako sa iyo, besides, matagal na rin kitang kilala no!, kay sa iba dyan!”…. he-he-he… napahagik-ik si Linda. Napansin na pala ni Linda ang re-action ko noong unang nagpunta kami sa bahay nila na panay ang sulyap ko sa pinsan niya noon sa bahay nila…
Sa totoo lang, mahiyain ako sa chicks. Pag may nakitang nagustuhan ko, natotorpe ako. Pero this time, talagang nilakasan ko ang loob ko. Ito ang first time kong dumiga sa chicks.
Isang araw sa canteen, naabutan ko si Linda na nag breaktime. Kinuusap ko siya ng kung pupwede pakibigay ng letter ko sa cousin niya. Sandali lang kaming nag-usap sa canteen at nagpaalam na ako para mauna na sa classroom. Walang nakaalam sa mga kaklase ko na nanligaw ako sa pinsan ni Linda. Maski sa friend ko na kaklase na si Ben. Nilihim ko sa kanila kasi baka mamaya tutuksuin at kakantyawan nila ako.
The following day sa morning classes naming, nahuli akong pumasok sa classroom galing sa flag ceremony naming. Suminyas si Linda na may letter ako galing kay Rosa. Pinakita niya ito sa akin na nakaipit sa notebook niya. Mamaya-maya ng kunti, pinakisuyo niya sa katabi niya na pakipasa sa akin. Nang umabot sa row namin, si Lito ang na abutan. Siya yung naka upo sa first row namin. Nang nalaman ito na para sa akin… “Uy!.. ano ito?... Para kay Mar,… mmmm!. Mukhang iba ang laman”, sabi niya… Medyo kinabahan ako dahil alam ko yung ugali ni Lito, mapagbiro at mahilig mang asar… “ Bro, pakibigay naman o, personal yan!”… sabi ko…. Mas lalo pa akong inaasar, hanggang pinagpasapasahan yung letter ko, takbo ako doon, dito para makuha ko yung letter. Pero, hindi ko nakuha kaagad, hanggang napunta kay Ben, yung letter. Komo hindi naka shield o naka paste yung letter, hayun binuksan at binasa sa harap ng mga kaklase namin. Napahiya ako. Mabuti na lang at hindi naka lagda yung name ni Rosa sa letter kaya hindi nila alam kung sino yung sumulat noon…
Nakailang sulat din ako sa kanya hanggang sa panghuling letter niya na magpangita daw kami sa park. It was disperas ng fiesta sa bayan naming kaya medyo masaya. After 2 days, fiesta na sa bayan. Nagkita kami sa park pero kasama niya si Linda, pero noong nagkausap kami, medyo dumistansiya si Linda ng kunti sa amin. Habang nag uusap kaming dalawa ni Rosa. On that night, masaya ako dahil sinagot niya ako. Parang nasa alapaap ako ng hinalikan ko siya ng padampi sa labi niya at hindi siya nag atubili. It’s my first kiss. Nag stay pa kami ng 2 hours sa park dahil medyo maraming taong namasyal. Pero doon kami sa may tabi na nakaupo na hindi masyadong dinadaanan ng mga tao. Masaya akong umuwi sa bahay ng ate ko pero hinatid ko muna sila Rosa (kasama si Linda) sa bahay nila.
Dahil mahigpit ang ate ko, sumisimple lang ako. Pero normally, pagkagaling sa school, dumadaan muna ako sa kanila (sa house ng pinsan niya kung saan siya nakatira). Mag stay lang akong ng isang oras at uwi na kaagad. Ayaw kong malaman ni ate na may girlfriend na ako.. Bawal kasi ang ligaw-ligaw. PInagsabihan na niya ako noon pa dahil nag aaral pa ako at makasama daw sa nag aaral… Masaya lagi ang araw ko tuwing nakikita ko siya… Inlove na love ako talaga sa kanya. Seguro, first love ko siya.
Isang hapon, nasa labas ako ng tindahan, dahil ako ang nagbabantay, habang karga-karga ko yung bunsong anak ni ate Carmen, Nakita ko sina Linda at si Rosa na paparating, nabigla ako, kaya nagtago ako sa likod ng pintuan, dahil karga-karga ko ang bunsong anak ni ate Carmen. Hindi ko alam kung nakita nila ako… Pero si Linda ang nagpunta sa tindahan at tinawag niya ang pangalan ko. So, I’m sure na nakita nila ako… Nilapag ko yung baby sa may maliit na bed at lumabas ako.. Medyo napahiya pa ako at nagkamot… Natawa si Linda “ Baby sitter ka pala ha!”.. heheheh sabi ni Linda. Tapos, may inabot siya sa akin na letter… “Basahin mo yan at may sinulat si Rosa para sa iyo”, sabi nil Linda. Sumilip ako sa di kalayuan, nakita ko si Rosa na nakatayo at tinitigan lang niya ako… Sabay pasok agad ako sa loob ng tindahan. Baka makita pa si Linda at baka magtatanong pa sa kanya, lalo pa yung letter at baka mapurnada pa ako.
Binasa ko ang nilalaman noong letter at nalaman ko na gusto niyang makipagkita sa akin kinabukasan ng hapon sa tabi ng dagat at may importante daw siyang sasabihin sa akin. Medyo kinabahan ako. “Bakit kaya?”, tanong ko sa sarili. Hindi ako nakatulog noong gabing yun. Iniisip ko kung papaano ako makaalis sa bahay na hindi mag sospetsa ang ate Carmen ko…Kinabukasan ng hapon, tyempo namang nag iiyak yung pangalawang anak ni ate Carmen, medyo tinupak ata… “ah alam ko na!”.. sabi ko sa sarili… “Ate Carmen, ipasyal ko na lang muna si cecil para tumahan”, sabi ko… “Aha, mabuti pa, at nang tumahan na yan, mabubwisit pa ako at may ginawa pa ako dito”, sabi niya….
Nagpunta kaagad ako sa tabing dagat kasama ko yung batang si cecil na akay ako ko. Pag dating ko doon, nakita ko si Rosa sa dating tagpuan naming. Nakaupo siya sa may bato at mukhang malungkot. Kinabahan tuloy ako kung bakit. “maglaro ka muna dyan cecil at huwag kang magpalayo”, sabi ko sa bata at tuwang tuwa naman dahil takbo ng takbo sa may tabing dagat… Pinuntahan ko si Rosa sa kinaupuan niya at hinalikan ko siya sa pisngi…”Bakit love, malungkot ka ata!”, tugon ko sa kanya… Umiiyak siya….. Lalo tuloy akong nag worried sa kanya…Hindi kaagad siya nakapagsalita… “ Kasi uuwi na ako sa amin, pinauwi na ako ng itay ko dahil may sakit si Inay at walang mag-alaga sa kanya”, sagot ni Rosa…. Hindi ako nakaimik… hindi kaagad ako napagsalita…. “paano na lang ako, kung uuwi na siya?”..Nag-isip ako… medyo hindi kaagad ako nakasagot… Hindi ko alam kung anong dapat kung sasabihin sa kanya…..”So, kailan ka babyahe niyan?” sabi ko sa kanya, habang hawak-hawak ko ang mga kamay niya… Sa makalawa na ng gabi… Taga Cebu nga pala si Rosa at doon lang nagbabakasyon kina Linda, pero dapat mag stay pa sana siya ng isang taon, kaso nga lang sa nangyari, anim na buwan lang siyang nag stay…
Niyapos niya ako at hinalikan sa pisngi…. “Ano love, ihahatid mo ba ako sa pantalan (daungan ng barko sa aming bayan)…. Medyo nalulungkot ako at hindi kaagad ako nakasagot sa kanya… Parang may tinik na bumaon sa lalamunan ko.. Sige ihahatid kita bukas. Hindi nag laon, umuwi na kami,(si cecil) kasabay siya at hinatid ko siya sa bahay ng pinsan niya….
Dumating yung time nay un, nag paalam ako sa ate Carmen na may research project kami sa school at kailangang matapos kaya pinayagan ako ng ate Carmen ko. Pumunta kaagad ako sa bahay nina Linda kung saan nakituloy si Rosa. Naabutan ko siya na ready ng paalis… Kasama ko Linda ng hinatid naming si Rosa sa Pantalan…. Alas syete ang alis ng barko kaya nag usap pa kami sa itaas/loob ng barko dahil pwede pa namang ang bisita pumasok. Umiiyak siya…. “paano naman tayo ngayon?”… sabi niya…. Nabuntong hininga ako…. “Huwag kang mag alala love, andito pa naman ako at babalik ka pa naman ata once na ok na ang mother mo!”… sabi ko sa kanya…. “Hindi ako segurado, pero pipilitin ko na magbabakasyon uli ako”, ang sagot niya… Medyo matagal-tagal din kaming nag usap…. Mamaya kunti, nagsisigaw ang yung tauhan ng barko “Pwera bisita na!”…. aalis na ang barko!.. “Yung mga hindi pasahero, kailang bumaba na!”.. yun ang sigaw ng isang empleyado…. Nag paalam na ako sa kanya, at niyakap niya ako at hinalikan sa labi”., nakita ko na tumutulo ang luha niya sa pisngi, namumugto ang mga mata ng mahal ko….
Bumaba ako sa hagdanan habang nakatingin sa kanya… Maski na doon ako sa tabi ng pantalan, nakikita ko siya na lumabas, panay kaway-kaway sa akin…. Habang papalayo na barko, andoon pa rin ako… Nakatayo pa rin ako doon sa tabi ng pantalan habang papalayo ng palayo ang barko hanggang hindi ko na makita…. Ang bigat ng balikat ko habang baglalakad pauwi. Siya ang laman ng isip ko. Hindi ko naman siyang pwedeng pigilan dahil mas importante naman yung disisyon niya….
Noong gabing yun, hindi ako nakatulog ng husto. Siya ang laman ng isip ko. Inalala ko na lang yung mga masayang araw na pagsasama naming, ang pamasyal, ang masayang araw na kaming magkasama. Mga alaalang nag lalaro sa isipan ko. Masakit man ang malayo sa kanya pero may dahilan. Hindi naman kami nag bre-break dahil wala naman kaming pinag awayan. Naalala ko pa ang mga matamis niyang halik sa aking labi, mga yapak niyang mapagmahal, mga ngiting matatamis… Hindi ko alam kung kailan siya babalik. Ang mga iyon ay bahagi na lang ng mga alaala ko….
Masarap palang umibig, lalo na first love mo… Sa mga alaala ko na lang siya kasama. Maski papaano, may pinagsamahan din kami. Inlove sa isa’ isa…..Hay!!!... ang sarap din kung maala ko ang mga yun… Siya ang first love ko…. My puppy love!...