Thursday, October 13, 2011

"Bangkang Papel"


Sa mosmos kong edad ako'y batang masayahin
At laging nasa tabing sapa na malapit sa bahay namin.
Mahilig akong maglalaro kahit ako lang na mag-isa.
Bangkang papel ang gusto kung laruin lalo na
Kapag nasa tabi ng sapa kung kasama ko ang nanay ko.

Isa, dalawa, tatlong pirasong ang bangkang papel na gawa ng inang ko.
Tuwang tuwa at masaya si ina pag narinig niya ang munting tawa at halak-hak ko.
Habang ako’y libang na libang na nag papalutang sa bangkang papel na gawa ng nanay ko.

Isang araw, nakita kong malungkot ang mukha ng inang ko
Pero niyaya at pinilit  ko siya na gawan ako ng bangkang papel
Para mamasyal ulit kami sa tabi ng sapa at mapalutang ng papel na bangka na gawa ng inay ko.

Sa paglalaro ko, napansin ko na lungkot ang mukha ng inang ko at ako’y lumapit at natabi sa inang mahal ko.
“Inang, bakit po kayo malungkot?” ang tanong ko.

Tumingin ang inang ko at kitang-kita ko sa mga mata na dumaloy ang patak ng luha sa kanyang pisngi at sabay akong niyapos at siya’y umiyak.

Mahigpit ang yapos ng inang ko sa akin at doon ko nadama ang kanyang paghinagpis at ang lakas ng pintig ng kanyang puso ng ako’y kanyang niyakap at hinagkan sa noo sabay tingin at bitaw ng salita.

“Wala na ang itay mo, iniiwanan na niya tayo”, at sabay yakap na mahigpit sa katawan ko.

Sa aking pagyapos ng inang ko, nakita ko na palayo ng palayo ang mg bangkang papel na gawa ng inay na pinaanod ko sa sapa hanggang  hindi ko na naaninag at hindi ko na nakita ang mga bangkang papel na dinaloy ng tubig, papalayo ng papalayo….

No comments:

Post a Comment