Thursday, October 20, 2011

“Ako’y Isang Paro-paro”


Malakas ang ihip ng hangin
  Habang  kinakampay ko ang mga pakpak ko.
Lipad dito, lipad doon na para bang may
Hinahanap ako sa sarili ko.

Magandang mga bulaklak ang nakita ko.
Dapo dito, dapo doon at inaamoy ko
Ang bawat talolot nito na na nadaanan ko.
Ang ganda nila at ang babango,
Pero saan ako magtatagal at mag pahinga
Sa maraming makulay, mabango at
Magagandang mga bulaklak na magugustuhan ko.

Tulad ko, isang binata at naghahanap
Ng isang dilag na mapupusuan ko,
Sa kadami-daming  mga magaganda
at  mapang akit na anyo ay hindi ko makita ang hinahanap ko

Tulad kong isang paro-paro, patuloy ang pag lipad
At pag hanap na madapuan, masilayan
Na magustuhan ko,  at doo’y  mananatiling
Mahimlay ang mga pakpak at pagod na sarili ko
sa paglilipad na sana’y makita ko na  ang hinahanap ko.

No comments:

Post a Comment