“Mabuhay ang bagong kasal”…. Sambit sa mga taong nasa simbahan na nag attend sa kasalang Arman at Lorna. Isang munting selibrasyon sa bagong kasal ang ginanap. Sa murang edad pa lang, ang dalawa ay pinakasal dahil na buntis si Lorna sa edad na desesyite at si Arman naman ay mag desi otso palang. Sa probinsiya, normally ang mga nag aasawa‘y nasa ganitong gulang o edad. Iba ang dating ng isang probinsiya na malayong-malayo sa kabihasnan o malayo sa syudad. Dahil sa murang edad, medyo hindi pa sila nagkapalagayan ng kani-kanilang sarili dahil sa bata pa, may mga tension na mag aaway nang dahil sa mga bagay-bagay na kung minsan, hindi pa handa sa mga bagay na responsabilidad. Si Arman ay medyo agresibo pa at mahilig pa rin sa mga barkada maski may asawa na. Mahilig sumasama sa mga barkada o kaya’y pang haharana. Maganda ang boses niya at syempre kung sa hitsura naman, hindi rin pahuli. Si Lorna naman ay nasa bahay lagi at dahil buntis, sa bahay na lang nag lalagi at ginampanan ang gawaing bahay. Laging gabi o hating gabi na kung dumating si Arman galing sa labas at kung minsan lasing pa. Dahil laging nasa labas at lagi na lang kasama sa mga barkada niya, hindi naiisip na may asawa siya na naghihintay sa kanya. Parang walang deriksyon ang buhay o hindi inisip ang kanyang responsabilidad na dapat gampanan. Dahil seguro sa murang edad, nasa stage pa siya ng adjustment. Si Lorna naman ay pasinsyosa dahil seguro sa kalagayan niya na buntis siya at ginawa ng lahat para magampanan ang bilang asawa. Pero sa katagalan, medyo nagsawa na sa mga ginagawa ni Arman at parang hindi na rin makatiis sa mga nangyayari. Isang gabi, ng dumating si Arman, sinalubong siya ni Lorna dahil narinig niyang pararating si Arman. “Ano ba?”….ganoon ka na lang ba? Hindi mo na ba kami iniisip ng maging anak mo?”… ang sabi ni Lorna kay Arman. Medyo lasing si Arman nang pinagsabihan ni Lorna. Parang walang narining si Arman. Pag kabukas ng pintuan, tutuloy siya sa loob at nag pumunta sa kusina at nag hanap ng makakain… Sumunod si Lorna sa kusina. Habang kumakain si Arman sa mesa, umupo rin sa Lorna sa harapan niya habang si Arman ay kumakain. “Ano ka ba Arman? Parang hindi mo narinig ang mga sinasabi ko?..... Hindi ka na ba talaga magbabago sa ugali mo?... Mag asawa na tayo at hindi ka na binata, may responsabiladad ka na at heto buntis pa ako at laging ako na lang mag isa lagi dito sa bahay, dapat katuwang kita dahil sa kalagayan ko o dapat kaya maghanap ka na ng trabaho at hindi na lang tayo naka dipindi o umasa sa mga magulang natin”… ang banggit ni Lorna kay Arman… Pero parang walang naririnig si Arman, patuloy pa rin siyang kumain…”Ano ba?”…Hindi mo ata ako narinig!”…sabay sa pagdadabog ni Lorna…at biglang humahagolhul sa pag-iyak…. “O siya-siya na!”.... Bukas na bukas din, lalakad ako at maghanap ng trabaho para matigil ka na!! (naka simangot)... Sabay tayo sa mesa at at dinala ang pinag kainan sa lababo at nagtuloy sa kwarto…
Lumipas ang mga buwan at nanganak na si Lorna…. Pero ganoon pa rin ang pag uugali ni Arman. Laging ganoon pa rin, laging nasa barkada at pag nauwi pa, lasing ito… Laging ganoon halos lagi ang nangyayari sa buhay nila… Laging may pag-aaway at parang hindi ata nag bago si Arman.. Umiiyak na lang lagi si Lorna sa sama ng loob.
Isang araw, napadaan si Aling Coring sa bahay nila Lorna at Arman dahil papuntang palengke at mamimili sana sa araw na yun, pero napahinto siya sa paglalakad, dahil sa iyak ng isang sanggol na napakalakas, napalinga siya at hinanap niya kung saan nanggaling ang iyak na yun at nakita niya ang isang duyan sa silong ng bahay na gawa ng isang kumot na nakabuhol ang magkabilang dulo at nakatali sa isang lubid. Nakita ni Aling Coring na sinosondot-sondot ito ng dalawang malaking baboy ang kinalagyan ng duyan kaya napahinto siya na parang kinakabahan. Dali-daling na nagtungo sa kinaroroonan ng iyak ng sanggol. Hindi nga siya nagkakamali, sanggol nga ang nasa duyan at bigla niyang tinataboy ang dalawang baboy na malaki na papalayo.. “Sus me”…. Buti na lang at nakita kita”, sabi ni Aling Coring sa sarili niya sa sanggol…Daling dali niyang kinarga ang sanggol dahil nag-iiyak nga.. “Hay naku!”.. seguradong gutom na iring batang ito dahil nag iiyak na ng husto!”…sabi ni Aling Coring…. “Lorna!.. Lorna!”… Andyan ka ba?’sigaw ni Aling Coring.… sabay akyat ng bahay… Pero walang tao ang bahay. Wala si Lorna, wala din si Arman. Nagpakulo na lang ng tubig si Aling Coring habang naghahanap ng gatas para ipapainom sa sanggol. Nag hintay si Aling Coring mahigit dalawang oras sa bahay nina Lorna at Arman, pero walang ni isang dumating o nagpakita man lang. Nag disisyon si Aling Coring na dapat ipag-alam sa mga taong kinaukulan tungkol sa nangyari …. Kailangang pupunta siya sa bayan para ipag alam sa mga gulang man lang ng dalawa (nila Lorna O Arman)…….
No comments:
Post a Comment